Wednesday, November 22, 2006

Verum Est

Hindi ako makapaniwala na gumagawa ako ngayon ng isang blog.para sa isang tao na kinasusuklaman ang anumang uri ng pagsusulat, matatawag itong achievement. siguro hindi ko naman talagang kinasusuklaman ang pagsusulat, na trauma lamang siguro ako noong highschool dahil sa kalokohang formal at informal themes na pinasusulat ng mga titser sa English at Filipino. isipin mo, pano ka ba naman makakagawa ng isang magandang composition kung ang topic mo ay tungkol sa outerspace?bakit, nakarating na ba ako dun?at siguro din nananadya ang tadhana dahil napadpad ako sa isang kurso kung saan hindi ka mabubuhay kung hindi ka magsusulat.wala naman kasi sa plano ko na pumasok sa kursong ito, pinagkaitan nga lamang ako ng tadhana at ginawa nya akong bobo sa math.haay

masasanay na siguro ako magsulat.simula ngayon.

No comments: